Ipinahayag ng Food and Drug Administration (FDA) na ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ay nasa 18 hanggang 39 taon gulang.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, naitala ang 90% kaso sa nasabing edad na kung saan ang mga ito ay ang lumalabas ng bahay at nagtatrabaho.
Subalit, sinabi ni Domingo na karamihan sa mga namamatay dahil sa impeksyon ay mga senior citizens o edad 60 pataas.
Samantala, walang nakitang pagtaas sa bilang ng kaso at patunay lamang na epektibo ang nakalipas na ilang buwan na pagbabakuna. —sa panulat ni Airiam Sancho