Pinapahintulutan nang lumabas sa Quezon City ang mga edad 18-65 years old kung mayroon lamang mahalagang pupuntahan o bibilhin ayon sa lokal na pamahalaan nito.
Batay sa inilabas na bagong guidelines ng QC kinakailangan ng company ID, school ID o government ID ang sinomang nagnanais lumabas na nasa edad na sakop ng 18-65.
Paalala ng lokal na pamahalaan kailangan ang patnubay ng mga magulang ng mga menor de edad na lalabas at ang patuloy pa ring pagsunod sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, paghuhugas ng kamay at social distancing.—sa panulat ni Agustina Nolasco