Binigyan na ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbibiyahe ng 18 taon gulang pababa at fully vaccinated senior citizens sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ.
Ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Puyat, malaki ang maitutulong nang muling pagbuhay sa industriya ng turismo ang pagpayag sa point-to-point interzonal travel.
Aniya, mas maraming pamilyang Pilipino ang magnanais nang bumyahe dahil sila ay kumpleto na sa bakuna.
Samantala, ang resolusyon na ito ay para hikayatin pa ang publiko na magpabakuna.—sa panulat ni Airiam Sancho