Nakatakdang simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa edad lima hanggang 11 taong gulang sa Pebrero 4.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., nagkaroon ng town hall meetings mula kahapon at tatagal hanggang January 28 para talakayin ang rollout vaccination sa naturang age groups.
Dagdag pa ni Galvez, inaasahan namang darating ang bakunang Pfizer-biontech na gagamitin sa pagtuturok sa mga bata sa Pebrero 2.
Aniya, ang pediatric vaccination para sa age bracket ay maaaring i-roll out sa two phases o dalawang bahagi.
Ang unang phase ay isasagawa sa isang hospital based at isang LGU based vaccination site sa kada lungsod sa National Capital Region habang sa ikalawang phase, palalawigin ito sa nalalabing inoculation sites sa kalakhang maynila at ibang rehiyon.