Muling umapela si Trade Secretary Ramon Lopez na payagan na sa dine-in at personal care services ang mga edad 65 pababa na fully-vaccinated sa oras na ilabas ang guidelines para sa COVID-19 restrictions.
Ipinaliwanag ni Lopez kay Pangulong Rodrigo Duterte na panahon na para subukan ang ibang paraan upang tugunan ang problema na dala ng COVID-19.
Gayunman, delikado pa rin aniya sa mga edad 65 pababa kapag tinamaan sila ng COVID-19 dahil puwedeng maging severe at critical, kaya’t nasa health experts ang pasya kung maglalagay ng age cap.
Ipinunto ng kalihim na mahalagang mabuksang muli nang ligtas ang dine-in at personal care services para sa mga nakakumpleto na ng bakuna dahil maraming manggagawa sa mga naturang industriya na aabot sa dalawang milyon.
Maaari namang simulan ang pilot-testing nito sa National Capital Region.—sa panulat ni Drew Nacino