Simula Abril 1 ay ibababa na ng Japan ang edad ng adulthood mula sa 20 years old sa 18 years old.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbabago sa Civil Code sa unang beses makalipas ang mahigit 140 years.
Layon ng naturang hakbang na hikayatin ang aktibong pakikilahok sa lipunan ng kabataan.
Nababahala naman ang ilang eksperto dahil inalis ang proteksyon na nagpapahintulot sa mga kontrata ng isang menor de edad na kanselahin ng indibidwal o ng kanilang tagapag-alaga.
Ang edad ng adulthood ay itinakda sa 20 ng Japanese Imperial Government noong 1876, at pinagtibay ng Civil Code noong 1896. — sa panulat ni Mara Valle