Nagpaliwanag si Senador Antonio Trillanes IV sa pagboto niya ng ‘no’ sa resolusyon ni Senadora Miriam Defensor Santiago patungkol sa EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Trillanes na ang EDCA ay maituturing lamang na executive agreement o implementing guidelines ng Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty.
Binigyang-diin ni Trillanes na hindi na ito kailangang i-ratify ng senado.
“Hindi na natin kailangang i-ratify ng mga senador, nangyari na ito noong 2007 yung mutual logistic support agreement, hindi naman ito ni-ratify ng senado pero natapos naman, maayos naman, wala namang hindi magandang nangyari, at the same time, hindi komo executive agreement yan na hindi na namin kailangang i-ratify, hindi ibig sabihin na natatapos na doon ang obligasyon ng mga senador doon, hindi kasi tuwing budget hearing puwede nating mahimay yun.” Pahayag ni Trillanes.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita