Pinagtibay ng Korte Suprema ang legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Sa botong 10-4-1, nanindigan ang Korte Suprema na naaayon sa Saligang Batas ang EDCA na pinirmahan nina Pangulong Benigno Aquino III at US President Barack Obama.
Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyong magkakahiwalay na inihain nina dating Senador Rene Saguisag, Wigberto Tañada at isa pang grupo na binubuo ng Bagong Alyansang Makabayan.
Sa ilalim ng EDCA, magkakaroon ng increased rotational presence ng tropang Amerikano sa bansa.
By Ralph Obina | Bert Mozo (Patrol 3)