Ipina-aaresto na ang self-confessed killer at davao death squad (DDS) witness na si Edgar Matobato sa kasong frustrated murder kaugnay sa pananambang sa isang Agrarian Reform Adjudicator noong October 23, 2014.
Kabilang din sa ipina-aaresto si dating Agrarian Reform Lawyer Norberto Sinsona na itinuro ni Atty. Abero Salcedo bilang mastermind sa bigong pagpatay sa kanya.
Sa arrest order na inissue ni Digos City Regional Trial Court Branch 19 Judge Carmelita Davin, pinatawan ng tig P200,000.00 multa sina Matobato at Sinsona.
Inihayag ni Salcedo na ang tangka sa kanyang buhay ay nag-ugat sa land dispute cases na hinawakan ni Sinsona, na isa ring dating DAR Adjudicator.
Sa salaysay ng biktima, namukhaan nito ang gunman na si Matobato nang humarap sa senate investigation hinggil sa summary executions.
By Drew Nacino