Posibleng akuin na lamang ng Senate Committee on Justice ang pagbibigay ng proteksyon kay Edgar Matobato, dating miyembro ng Davao Death Squad na tumestigo sa Senado.
Ayon kay Senador Leila de Lima, chairman ng komite, hihingi na lamang sila ng approval kay Senate President Koko Pimentel kapag kinailangan nila ng dagdag na pondo.
Pahayag ito ni De Lima makaraang mapaulat na tinanggihan ni Pimentel ang kahilingan nilang ilagay sa protective custody ng Senado si Matobato.
Inamin ni De Lima na dismayado sya sa pasya ni Pimentel dahil marami na rin namang kaso sa Senado na inilagay ang testigo sa kanilang protective custody dahil sa sensitibong impormasyon na ibinunyag nito.
By: Len Aguirre / Cely Bueno