Nilinaw ni Communications Secretary Martin Andanar na hindi nila nais rendahan ang mga post sa social media ni PCO o Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson.
Ito ay matapos imungkahi ng Malacañang na mag-hire ng editor si Uson para sa mga pinopost nito sa social media.
Sinabi ni Andanar na ang usapin ng pagkuha ng editor ay layon lamang na mabalanse ni Uson ang kanyang trabaho bilang assistant secretary ng PCO, blogger at isang performer.
Kasabay nito, tiniyak ni Andanar na hindi kukunin sa pondo ng gobyerno ang editor na inaasahang magpapatakbo sa mga blog ni Uson sa social media.
“It was just a suggestion by a senior, tayo kung meron tayong 5 million followers sa blog natin, syempre mag-iisip-isip na tayong maglagay ng editor diba? Pero hindi ito gobyerno ang gagastos, siya mismo.” Pahayag ni Andanar
By Ralph Obina | Balitang Todong Lakas (Interview)
Editor ni Mocha di gagastusan ng gobyerno was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882