Sinupalpal ng Malakaniyang ang inilabas na malisyosong editoryal ng pahayagang the New York Times laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, maituturing na reckless, iresponsable at walang batayan ang ginawang editoryal ng nasabing pahayagan.
Hindi naman aniya napatunayan ng mga investigating bodies sa Pilipinas na si Pangulong Duterte nga ang nasa likod ng mga nangyayaring patayan sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.
Malinaw ani Panelo ang naging resulta ng imbesitgasyon ng senado hinggil sa mga umano’y extra-judicial killings kung saan, inabsuwelto nila ang Pangulo.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping