Mahigpit na isinusulong ni House Committee on Metro Manila Development Chair Congressman Edgar Erice ang paggamit sa EDSA bilang mass transport highway para maibsan ang matinding problema sa trapiko.
Sa nasabing panukala, ipinabatid sa DWIZ ni Erice ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan na makadaan sa EDSA — mula 6 a.m. hanggang 9 a.m. at 6 p.m. hanggang 9 p.m..
Nangangahulugan ito aniya na dapat ilaan ang limang lanes ng EDSA sa public utility vehicles.
Sa halip na ipagbawal natin yung mga malalaking sasakyan na mga buses, passenger utility buses, passenger utility vehicles — ang aking suggestion po, from 6 a.m. to 9 a.m. at 6 p.m. to 9 p.m., ipagbawal natin ang lahat ng private vehicles, idedicate na po natin ‘yung limang lanes ng EDSA sa mga public utility vehicles,” ani Erice. — sa panayam ng Ratsada Balita