Isasailalim na sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority ang EDSA bus carousel.
Ayon sa Department of Transportation, babantayan ng bus management and dispatch system ng MMDA ang busway para pagandahin pa ang karanasan sa public commuting.
Sa pakikipagtulungan ng MMDA, inaasahang mapapabuti ng innovative system ang biyahe ng mga pasahero sa pamamagitan ng sistematikong pag-monitor sa bilang ng mga bus na dumadaan sa EDSA busway.
Tinitiyak nito ang maayos na daloy ng mga bus para maiiwasan ang congestion.
Bukod dito, itataguyod ng BMDS ang comprehensive monitoring sa mga driver kung saan gagamit ng QR codes bilang contactless method upang madaling i-scan ng dispatching officers na naka-puwesto sa PITX at monumento.
Magiging accesible din ang mga impormasyon tulad ng hindi pa nababayarang multa sa traffic violations.