Muli nang binuksan sa mga motorista ang southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover sa Quezon City, matapos itong isara ng halos isang buwan dahil sa isinagawang rehabilitasyon.
Ganap na ala-5:26 kahapon ng hapon nang tuluyan nang tanggalin ang mga plastic barrier na nakaharang doon.
Ayon sa MMDA, maari nang daanan ng lahat ng uri ng mga behikulo ang EDSA Kamuning flyover southbound lane.
June 25 nang isinara sa publiko ang flyover na ito dahil sa kinailangang kumpunihin ang mga bitak at lubak nito.
June 21 naman nang ipag-utos ni MMDA chairman Romando Artes ang pagsasara ng 30-meter stretch ng flyover para sa tatlumpong araw na pagkukumpuni.
Pahayag ni Artes, aabot sa halos 140,000 vehicles ang bumabaktas sa EDSA-Kamuning flyover kada-araw.