Asahan na ng mga motorista ang pagluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila lalo sa EDSA.
Ito’y sa sandaling buksan na ng Department of Transportation (DOTr) sa Nobyembre ang bagong integrated transport terminal sa Parañaque City.
Pinaplano rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing transport hub para sa mga commuter na patungong Metro Manila mula Southern Luzon ang naturang terminal.
Sa oras na buksan, ang 2.3 billion peso Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX ang magiging “last stop” para sa mga provincial bus mula sa Katimugang Luzon.
Mula sa PITX ay maaaring lumipat sa ibang uri ng transportasyon ang mga mananakay tulad ng bus, taxi at iba pang public utility vehicle patungo sa ibang panig ng Metro Manila.
—-