Hati pa rin ang mga education reform advocate kung ipagpapaliban o hindi ang K to 12 program.
Ayon sa private sector group na Philippine Business for Education o PBED, ang kawalan ng access sa utilities ang dapat na maging sanhi ng pagpapatigil sa implementasyon ng senior high school program na bahagi ng K to 12.
Naniniwala naman ang Alliance of Concerned Teachers na hindi magtatagumpay ang naturang programa hangga’t hindi nireresolba ng gobyerno ang mga pangunahing problema kabilang na ang supply ng kuryente at tubig.
Sa panig ng suspend K-12 Coalition, hindi pa umano handa ang pamahalaan sa pagpapatupad ng K to 12 sa halip ay dapat itaas muna ang budget sa sektor ng edukasyon.
Gayunman, ilang public schools na ang magpapatupad ng mga pagbabago sa kanilang curriculum nang hindi nabibigyan ng basic services gaya ng water at electricity supply.
By Drew Nacino