Iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsusulong ng educational tourism sa pagitan ng Japan at Pilipinas na nakatutok sa pagpapalitan ng mga estudyante at professionals sa mga institusyon na may kinalaman sa turismo.
Sa isang roundtable meeting kasama ang mga tourism stakeholders sa Tokyo, inanyayahan ni Pangulong Marcos Jr. ang mga Japanese students na mag-aral ng Ingles sa bansa.
Sa ilalim ng kanyang administrasyon, sinabi ni PBBM na ang industriya ay hindi lamang nakatuon sa trabaho nito bilang isang promotion arm ng gobyerno kundi maging sa pagtiyak na magiging maginhawa, konektado at pantay-pantay ang biyahe para sa mga mananakay, gayundin sa mga mamamayan na naninirahan at nag-iingat sa mga mahahalagang destinasyong panturismo.
Para umunlad pa ang turismo, inihayag ng Pangulong Marcos Jr. na titiyakin ng pamahalaan made-develop nang mabuti ang mga imprastraktura mula sa mga kalsada at tulay hanggang sa mga medical facilities, malinis na water supplies at magiging ito accessible sa mga turista at mamamayan.
Matatandaan na sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ay tinukoy ni PBBM ang turismo bilang isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.