Kinundena ng isang educators group ang pagdeklara ng holiday ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Ilocos Norte nuong Lunes.
Binigyang diin ni Ateneo De Manila Professor Charlie Veric ng No Erasures, No Revisions na malaking insulto sa mga Martial Law activist ang tila pagbibigay pa ng parangal sa isang diktador.
Sinabi ni Veric na hindi coincidence lamang ang posibleng pagbuhay ng fascist rule sa rehimeng Duterte na katulad ng mga naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng batas militar ng dating Pangulong Marcos.
Nakakalungkot aniya dahil ang mga naranasang kalupitan ng mga kabataan nuong diktaduryang Marcos ay nauulit sa sunud sunod na pagpatay sa mga ito ngayong Duterte administration.
SMW: RPE