Inihayag ni Department of Education Secretary Leonor Briones na bumuti ang edukasyon sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Aniya, nakapagpatayo ang kagawaran ng mas maraming imprastraktura at pasilidad at nagkaroon ng mga modernong paraan ng pagtuturo sa nakalipas na limang taon.
Maliban dito, sinabi pa ng kalihim na mula nang maupo sa puwesto ang Pangulo ay tumaas ang pondong inilalaan para sa edukasyon.
Tumaas din aniya ang sahod ng mga guro kung saan ang may pinakamababang level position ay tumatanggap na ng P23,877 kada buwan kumpara sa dating P19,077 na sweldo kada buwan. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico