Kailangang maging laging handa ang mga Pilipino sa pagtugon sa kalamidad.
Iyan ang binigyang diin ni Senador Richard Gordon kasunod na rin ng Disaster Consciousness Awareness ngayong buwan.
Kahapon, lumagda ng isang memorandum of agreement ang Red Cross, Department of Education o DepEd at Commission on Higher Education o CHED na naglalayong paigtingin ang pagbibigay impormasyon at edukasyon sa mga kabataan sa pagtugon sa mga kalamidad.
Partikular na isinagawa ang demonstration ng mga kabataan hinggil sa disaster response tulad ng CPR o Cardio-Pulmonary Resuscitation sa mga mabibiktima.
Kapwa ikinatuwa naman nila Education Secretary Leonor Briones at CHED Chairman Prospero de Vera ang hakbang na ito ng Red Cross at naniniwala silang magbibigay ito ng ibayong kaalaman sa mga Pilipino sa tamang pagtugon sa kalamidad.
—-