Libre na ang edukasyon sa mga State Universities and Colleges o SUC sa pagbubukas ng second semester.
Ito ang tiniyak ng Commission on Higher Education o CHED kay Senador Bam Aquino.
Ayon kay Aquino walang kokolektahing tuition fee sa mga estudyanteng nag-aaral sa 112 SUCs.
Una ng inaasahan na sa School Year 2018-2019 pa ipatutupad ang Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act kung saan libre ang edukasyon ng mga estudyante sa mga SUCs, lokal na mga unibersidad maging ang mga TESDA-run vocational schools.
Sagot din ng gobyerno ang iba pang mga miscellaneous at mandatory fees at bukas din sa pampubliko at pribadong mga kolehiyo at unibersidad ang mga scholarship grants.
Maaari din mag-apply ang mga estudyante para sa iba pang gastusin sa pag-aaral sa bagong student loan program.
—-