Ipinagtanggol ng dating Pinoy Big Brother Lucky Season 7 teen housemate na si Edward Barbers ang ka-loveteam nitong si Maymay Entrata laban sa bashers nito.
Kasunod ito sa mga lumalabas na negatibong reaksyon laban kay Maymay na hindi umano ito ang nababagay na on-screen partner ni Edward.
Ani Edward, kung hindi dahil kay Maymay ay baka kumalas na ito sa showbiz.
Binigyang-diin din ng dating PBB teen housemate na maraming beses na makararamdam ka ng bigat sa loob ng ganitong klase ng career kaya’t hindi madaling lampasan ito.
Pero aniya, laging andyan si Maymay para damayan siya.
Umaasa naman si Edward na sapat na ang kanyang naging pahayag para tumigil na ang bashers ng ka-loveteam.
Si Maymay ang naging big winner ng naturang reality TV show kung saan nabuo ang loveteam nila ni Edward at tinawag na MayWard.