Hindi dapat mabahala ang publiko sa efficacy rate ng COVID-19 vaccine ng Sinovac mula China.
Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) hinggil sa balitang may higit 350 na mga medical workers na naturukan ng naturang brand ng bakuna sa Indonesia ang tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, na kailangan munang malaman kung ilan nga bang porsyento ito sa mga naturukang mga health workers para matukoy ang efficacy rate o bisa ng bakuna sa naturang bansa.
Giit ni vergeire, na kailangan pa rin ng kumpletong datos para mas lalo pang mapag-aralan ito ng mga eksperto.
Ayon naman sa isang epidemiologist na si Dr. Edsel Salvana na nananatili pa ring epektibo ang mga bakuna kontra COVID-19 laban sa malalang kaso ng virus gayundin ang tuluyang pagkalagas ng buhay.
Sa kabila nito, nanawagan pa rin si vergeire sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.