Sobra-sobra ang effort ng gobyerno para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon ito kay political at military analyst Professor Clarita Carlos, subalit noong isang taon pa dapat pinursige ang contact tracing na susi para mapigilan ang hawahan ng virus.
Gayunman, mas mabuti na ring tutukan ng gobyerno ang pagbabakuna bilang proteksyon ng mga Pilipino kontra COVID-19.
To be fair, talagang sobra ‘yung effort ng gobyerno dahil one year ago naman I’m sure alam mong konti lang ang alam natin sa COVID, at ngayon mas marami tayong alam. Pero dapat noon pa, March, na nag-umpisa tayong mag-lockdown, talagang pinagpurisgihan natin ang contact tracing. Kasi ‘yan talaga ang key sa paghabol talaga at paglawak ng pagkahawa. Siguro kailangan talagang ilapat ang vaccination,” ani Carlos. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas