Inilampaso ni Efren ‘Bata’ Reyes ang kanyang katunggali mula sa Thailand sa SEA Games one carom cushion quarterfinals.
Tinapos ni Reyes ang laro sa score na 100 kontra 36 sa harap ng humigit sa kumulang 2,000 manunuod na sumugod sa Manila Hotel Tent City upang panuorin ang kanyang laro.
Gayunman, ayon kay rReyes, nanghihinayang sya na walang masyadong nakitang magic mula sa kanya ang mga fans na sumugod para manuod.
Sinabi ni Reyes na maliban sa 65 taong gulang na sya mayroon din syang shoulder injury na nangangailangan ng therapy kayat halos wala na ang kanyang magic moves.