Natanggap na ng pamahalaan ng Egypt ang unang batch ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine nito na gawa ng Sinopharm na isang Chinese pharmaceutical company.
Ayon sa health ministry ng Egypt, naunang dumating ang shipment ng vaccine sa United Arab Emirates (UAE) bago pa lumapag sa kanilang kabisera, kahapon, ika-10 ng Disyembre.
Dagdag pa ng kanilang health ministry, magpapatuloy ang pagtanggap nila ng mga bakuna na sasapat sa kabuuan ng kanilang populasyon.
Mababatid na uunahing bakunahan ng pamahalaan ng Egypt, ang kanilang mga frontline health workers, vulnerable o ‘yung mga taong mabilis dapuan ng virus.
Kasunod nito, tiniyak ng Egypt na bukod sa China, naselyohan na rin nito ang kasunduan sa Russia para sa kukuning Sputnik V vaccine na tinatayang aabot sa 25-milyong doses.