Isinasagawa ngayon ang rescue operation makaraang bigla na lamang mawala sa radar ang Egyptair flight na patungong Cairo mula Paris France.
Pinangangambahan ng mga awtoridad na nag-crash ang flight MS-804 kayat bigla na lamang itong nawala.
Lulan ng nawawalang eroplano ang may 69 katao na kinabibilangan ng 59 na pasahero at 10 crew nito.
Matatandaang noong Marso, nang masangkot naman ang isang eroplano ng Egyptair sa hijacking incident.
Dalawang taon na din ang nakalilipas nang mawala ang eroplano ng Malaysia airlines flight MH-370 na patungo sanang Beijing mula Kuala Lumpur sakay ang mahigit 200 pasahero at crew.
By Ralph Obina