Sumakabilang-buhay na ang sikat na Egyptian actress na si Ragaa al-Gedawy matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kinumpirma naman ng actors union ang pagpanaw ng 80 taong gulang na aktres.
Nabatid na noon pang Mayo natuklasan na dinapuan ng COVID-19 ang biktima kaya’t inilagay ito sa isang isolation facility ng ospital sa Ismailia province kung saan ito binawian ng buhay.