Nasawi ang isang Egyptian bomb maker at dalawang miyembro ng Abu Sayyaf group matapos ang engkwentro sa mga tropa ng militar sa Sulu.
Ayon sa hepe ng Western Mindanao Command na si lt. General Corleto Vinluan Jr., kinalala ang suspek bilang ‘yusop’ na anak ng isang babae na umano’y responsable sa suicide bombing noong Setyembre 2019.
Habang ang ibang napatay naman ay miyembro ng asg na sina Abu Khattab Jundullah at isang alyas Akram.
Paliwanag ni Vinluan, tumagal ang naturang engkwentro ng 10 minuto at narekober ang iba’t-ibang uring ng armas sa pinangyarihan ng insidente.