Ipinagdiriwang ngayong araw ng mga kapatid na Muslim hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang Eid’l Adha o feast of sacrifice.
Kahapon pa lamang, dagsa na ang milyung-milyong Muslim sa banal na lugar ng Mecca sa Saudi Arabia kabilang na ang mahigit 8,000 Pinoy pilgrims para sa taunang Hajj.
Pinangunahan ni Secretary Yasmin Busran – Lao ng National Commission on Muslim Filipinos ang Pinoy pilgrims na tumulak pa-Mecca na ika-lima sa haligi ng Islam.
Tiniyak naman ng Philippine Consulate sa Jeddah, na may kasamang medical team ang mga Pinoy pilgrims para bantayan ang mga dadalo na itinuturing na pinakamalaking bilang ng mga nakilahok sa nasabing religious activity.
Ginagawa ang Hajj bilang paggunita sa ginawang pagsunod ni Propeta Ibrahim kay Allah na isakripisyo ang kaniyang anak na ni Ishmael.
By Jaymark Dagala