Nilagay sa lockdown ang palibot ng Eiffel Tower sa Paris dahil sa umano’y security alert.
Ito ay kasunod ng mga ulat na mayroong gunman na may kahina-hinalang kilos na nagdulot ng panic sa mga turistang nasa tanyag na pasyalan sa bansa.
Kinumpirma naman ng French police na kanila nang naaresto ang umano’y gunman ngunit pinabulaanan na armado ang suspek.
Sa ngayon ay patuloy parin ang kanilang imbestigasyon sa kung ano ang totoong motibo ng naarestong suspek.
Samantala, muling binuksan ang Eiffel Tower sa Paris matapos ang insidente at nakalabas na rin ang mga turistang na-tap sa loob.