Binasag ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang kaniyang personal, National at Asian record matapos masungkit ang bronze medal sa World Athletics Championships.
Nabatid na nakuha ni Obiena ang 3rd place matapos niyang maitala ang 5.94 meters performance sa finals ng WAC sa Oregon, USA.
Matatandaang sa kanyang nakaraang record, nasa 5.93 meters lamang ang kaniyang nakuha noong September 2021 sa naganap na International Golden Roof Challenge.
Sinubukan pa ni Obiena na i-reset muli ang kaniyang rekord pero nabigo siya sa kaniyang ikatlong pagtalon dahilan para makuha ni Mondo Duplantis ng Sweden ang gintong medalya sa markang 6.0 at 6.06-meter mark.