Ikinalungkot ni Pinoy Olympic Pole Vaulter EJ Obiena ang hindi pagbibigay ng go-signal ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) upang makasali siya sa World Indoor Championship.
Ito’y kahit na kwalipikado si Obiena na lumahok sa naturang torneyo na magsisimula sa Marso a – disi otso hanggang a – bente sa Belgrade, Serbia.
Gamit ang social media, inihayag ng atleta na sa mga nagdaang patimpalak ay malinaw na kuwalipikado siya.
Dahil sa anya sa hindi pag-endorso sa kanya ng PATAFA ay hindi na siya nakahabol sa registration ng World Indoor Championship kahit ang kanyang pagsabak sa sea games sa Vietnam ay hindi inindorso ng PATAFA.
Inihayag pa ni Obiena na panonoorin na lamang niya sa telebisyon ang torneyo at pagmamasdan ang pagkuha ng medalya ng ibang bansa na dapat ay para sa Pilipinas.