Nilinaw ni Ukrainian Coach Vitaliy Petrov na hindi siya lumapit sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kahit sa anong philippine sports official kaugnay sa isyung ibinabato kay Olympic Pole Vaulter EJ Obiena.
Aminado si Petrov na nabayaran siya na kanyang salary nang buo na 85,000 euros o 4.8 million pesos at may bonus pa siya mula sa atleta.
Minsan anya nababayaran siya ng late at pa-utay-utay pero ipinaliwanag ni Obiena na ito’y dahil sa late remittance mula sa PATAFA bagay na hindi umano problema para sa kanya.
Una nang sinabi ng PATAFA na mismong si Petrov ang nagsabi na hindi niya natatanggap ang kanyang sweldo at suportado umano ito ng affidavit mula kay Sergey Bubka, na pangulo ng Ukraine Olympic Committee at Senior Vice President ng World Athletics. —sa panulat ni Drew Nacino