Umalagwa muli si EJ Obiena matapos manaig sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany.
Sumulong nang mabilis sa 5.81 meter mark si Obiena para magwagi sa 11 man field.
Ang nasabing performance ng Pinoy pole vaulter ay sapat na para biguin si world number 2 Chris Nielsen ng Amerika na nasa ikalawang spot at sinundan ni Australian Kurtis Marschall sa ikatlong puwesto.
Kaagad din namang babalik sa laro si Obiena sa Athletisism Meeting sa Lausanne, Switzerland mula August 25 hanggang 26 bago sumabak sa TRU Athletics Classic sa August 28.