Nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa katatapos lamang na Perche En sa Roubaix, France.
Tinalo ni Obiena sa International Elite Indoor Pole Vault Competition ang Chinese pole vaulter na si Yao Jie matapos malagpasan ang 5.75 meters sa unang category.
Nakuha ni EJ ang 5.82 meters dahilan ng kaniyang pagkapanalo.
Samantala, inaasahan namang sasabak din si Obiena sa Kazakhstan para sa Asian Indoor Athletics Championships sa susunod na buwan.