Nasungkit ni Pole vaulter EJ Obiena ang 2nd place sa International Stadionfest na ginanap sa Germany noong linggo.
Nakuha ni Obiena ang 5.81 meters kung saan, sinubukan nitong taasan ang nakuhang 5.88 meters ni Meno Vloon ng Netherlands na nakakuha naman ng 1st place.
Ayon kay Obiena, magpapatuloy ang kaniyang pagpupursige na lumaban sa mundo ng sports sa kabila ng second place finish.
Susunod na sasabak ang Pinoy Olympian sa Liechtenstein sa September 11.