Nagtala ang Pinoy Pole Vaulter na si EJ Obiena ng bagong Personal Best at Asian Record sa 2022 world championship na ginanap sa Eugene, Oregon.
Ito’y matapos masungkit ni Obiena ang bronze medal nang malampasan o ma-clear nito ang 5.94 meters sa final round ng laban.
Kinilala rin si Obiena bilang kauna-unahang Pilipino na nakatanggap ng medalya sa world championships.
Matatandaan na nakuha ng atleta ang 5.93 meters record sa Innsbruck, Austria noong nakaraang taon.