Kinubra ni Pinoy Olympian E.J. Obiena ang 4th place sa Istaf Berlin Tournament sa Germany, isang araw matapos bumasag ng Asian record sa pole vaulting.
Kinailangan ni Obiena ng tatlong attempts upang malampasan ang 5.81-meter mark, na kanyang huling matagumpay na clearance sa naturang event.
Lumundag ang Filipino athlete ng 5.86 meters bago tumuloy sa 5.91 meters pero kinapos ito sa nasabing lebel.
Pasok naman sa top 3 ang mga Amerikanong sina Sam Kendricks, Christopher Nilsen at Kc Lightfoot.—sa panulat ni Drew Nacino