Inihayag ni Dating Sen. JV Ejercito na siya at 3 pang incumbent senators ang may planong tumakbo bilang independent o walang kinabibilangang partido sa darating na 2022 National Elections.
Tinukoy ni Ejercito sina Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Joel Villanueva at Sen. Juan Miguel Zubiri.
Ayon kay Ejercito, nag-usap silang tatlo at napagkasunduang magkasamang mangangampanya.
Ani Ejercito, mahirap para sa kanilang 3 na mamili ng sasalihang partido dahil halos lahat aniya ng posibleng mangangandidato ay kanilang kaibigan.
Ilan sa mga binanggit ni Ejercito na posibleng tumakbo sa eleksyon na malapit sa kaniya o kaibigan niya ay sina Sen. Panfilo Lacson, Senate Pres. Vicente Sotto, Mayor Sara Duterte, Vice Pres. Leni Robredo at Mayor Isko Moreno.