Duda si Senador JV Ejercito na federalismo ang sagot sa mga problema ng bansa.
Ayon kay Ejercito, pabor siyang amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution subalit hindi siya kumbinsido na kailangan pang palitan ang sistema ng pamahalaan para umunlad ang bansa.
Sinabi ni Ejercito na kung ang pangunahing layunin lamang ng pamahalaan ay mawala sa Imperial Manila ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan ay puwede itong gawin kahit hindi federalismo ang sistema ng gobyerno.
Tinukoy ni Ejercito ang pagbibigay ng mas mataas na IRA o internal revenue allotment sa mga lalawigan upang mapabilis ang paggawa ng kanilang mga proyekto nang hindi nakaasa sa national government.
“I have to be honest hindi pa ako ganung kakumbinsido na dahil ito na ang ating sistema eh kailangan lang nating i-enhance o i-improve kung sakali, kapag na-federalized hindi natin alam kung ang ilang regions ay kaya nilang mag-cope up.” Ani Ejercito
(Ratsada Balita Interview)