Nanawagan si Senador JV Ejercito, chairman ng Committee on Health, sa publiko lalo na sa mga magulang na ihiwalay muna ang nangyaring kontrobersiya sa dengvaxia vaccine at sa mga napatunayan nang epektibong mga bakuna.
Ito’y kaugnay sa lumolobong bilang ng kaso ng tigdas dahil sa namuong takot sa mga magulang na ipabakuna ang mga anak.
Magugunita rin ayon sa senador na dati na silang nagkaroon ng di pagkakaunawaan ni PAO o Public Attorney’s Office chief persida acosta hinggil sa pagse-sensationalize ng dengvaxia issue.
nagkaayos naman anya sila at sinabing tutulong si acosta sa pangangampanya sa pagpapabakuna ngunit huli na anya ito ngayon dahil nangyari na ang measles outbreak sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Dapat po ihiwalay ang dengvaxia dito sa mga proven vaccines, kasi mas magiging malaking problema sa ating mga magulang at higit sa lahat sa ating balikbayan kung magkaroon ng epidemic at ngayon may outbreak na. So sana po ay ihiwalay natin ang dengvaxia doon sa mga proven vaccines dahil itong mga ito ay napatunayan na talagang proven at para maiwasan po magkarron ng sakit an gating mga anak.” Pahayag ni Sen. Ejercito.