Nilinaw ng gobyerno ng Pilipinas na hindi nito kinakansela ang imbitasyon sa United Nations Rapporteur para imbestigahan ang umano’y tumataas na bilang nga extra judicial killings.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, maaari pa rin namang mag-imbestiga si Special Rapporteur Agnes Callamard sa mga nangyayaring patayan sa bansa sa kondisyong dapat itong tumalima sa mga guidelines na itatakda ng pamahalaan.
Una rito, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na dapat bigyang pagkakataon ng UN ang gobyerno ng Pilipinas na kwestyunin din ang rapporteur dahil sa patuloy na batikos na tinatanggap ng bansa bunsod ng alegasyon ng EJK.
By Ralph Obina