Sisimulan na ng United Nations (UN) sa pagpasok ng 2017 ang imbestigasyon sa alegasyong extrajudicial killings sa Pilipinas.
Ayon kay Chairman Chito Gascon ng Commission on Human Rights o CHR, natanggap na ng UN Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Executions ang imbitasyon ng Malacañang na imbestigahan ang extrajudicial killings sa Pilipinas.
Kabilang sa aalamin ng UN Rapporteur kung nakakasunod ang Pilipinas sa mga obligasyon nitong pangalagaan ang karapatang pantao.
Napag-alamang sa mga susunod na linggo ay pag uusapan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng UN ang mga petsa ng pagbisita ng UN Rapporteur sa bansa at kung ano ang magiging mandato nito.
Samantala, inaasahan naman ang pagdating sa bansa ng isang team mula sa European Union ngayong buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Gascon, aalamin ng mga kinatawan ng EU kung kinikilala ng EU ang 21 international agreements na pinasok ng Pilipinas.
Kabilang di umano sa 27 kasunduang ito ang 10 kasunduan na may kinalaman sa karapatang pantao.
By Len Aguirre