Magsasagawa ng pagdinig ang US Congress hinggil sa mga naitatalang kaso ng EJK o extrajudicial killings sa Pilipinas.
Nakatakdang ilunsad ang pagdinig sa Hulyo 20 sa Amerika o Hulyo 21 rito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Tom Lantos Human Rights Commission.
Dadalo sa nasabing pagdinig ang mga kinatawan ng iba’t ibang human rights group tulad ng i-defend, Amnesty International at Human Rights Watch upang magbigay ng kani-kanilang testimoniya.
Kapwa pangungunahan nila US Senators Ben Cardin at Marco Rubio ang nasabing pagdinig dahil sila ang naghain ng resolusyon hinggil dito.
By Jaymark Dagala
‘EJK’ sa Pilipinas sisiyasatin ng US Senate was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882