Tinatayang nasa 1.2-milyon hanggang 1.5-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Dahil dito, sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez na mahihirapang bumangon ang ekonomiya kung walang pambili ng mga produkto ang mga mamamayan.
Dahil dito, iminungkahi ni Dominguez na gamitin ang mga nawalan ng trabaho sa contact tracing na mahalagang bahagi ng istratehiya laban sa COVID-19.
Isang mahalagang aspeto rin anya ng pagbubukas ng ekonomiya ang pagbubukas muli ng construction lalo na ang Build Build Build dahil ito anya ang may best multiplier effect.
The (…) problem is, people are not buying things because their incomes have gone down, so, we must provide them the means of buying things, because if they don’t buy things it’s useless to help the companies. So, we have to stimulate (…), that’s Build, Build, Build and push food production,” ani Dominguez.