Bumagsak sa -0.2% ang ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2020.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Chua, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagnegatibo ang ekonomiya mula noong 1998 sa kasagsagan ng El Niño at Asian financial crisis kung saan nag- negative (-)0.5 ang ekonomiya ng bansa.
Napakalayo nito kumpara sa 6.7% economic growth sa huling bahagi ng 2019 at 5.7% growth sa unang tatlong buwan ng 2019.