Pinaghihinay-hinay ni Senador Francis Chiz Escudero ang mga pulitiko sa pagbibigay ng personal na opinyon sa mga insidente tulad ng trahedya sa Resorts World Manila.
Reaksyon ito ng Senador makaraang ihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maituturing na terror act ang ginawang pag-atake sa nasabing casino na sinakyan din ni US President Donald Trump.
Ayon kay Escudero, dapat isaalang-alang ng mga pulitiko na may negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa ang anumang insidente ng pag-atake maging ito’y terorismo o krimen man.
Giit pa ng Senador, dapat aniyang ipaubaya na lamang ng mga pulitiko sa PNP ang pagbibigay ng mga pahayag hinggil sa insidente lalo’t hindi naman iyon expertise ng mga pulitiko at para maiwasan na rin ang anumang kalituhan sa publiko.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno