Inaasahang babagal ng 5% ang paglago sa ekonomiya ng bansa sa unang kalati ng taon.
Ito ay bunsod ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Union Bank of The Philippines Chief Economist Carlo Asuncion, 36% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay mula sa Metro Manila.
Habang 73% naman ng GDP ay binubuo ng Luzon.
Binigyang diin naman ni Asuncion, kinakailangang matiyak ang walang tigil na paggalaw ng mga produkto at tao sa ibang rehiyon sa bansa para sa patuloy na pagtakbo ng ekonomiya ng bansa.